yianramendoza pfp
yianramendoza

@yianramendoza

PANOORIN: 3 bagyo binabantayan, habagat dala parin ang pag-ulan MANILA, Philippines — Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ngayong Lunes ng umaga o hapon ang bagyong Saudel at papangalanang “Obet” kapag nasa loob na ito ng PAR. Inaasahan namang lalabas ng PAR ang bagyo pagsapit ng Martes. Samantala, mino-monitor din ang isa pang tropical depression na mababa ang posibilidad na pumasok sa PAR, habang binabantayan din ang Tropical Depression Gaenari, na dating tinukoy bilang Neneng. Inaasahang palalakasin nina Saudel at Gaenari ang southwest monsoon o habagat, na maaaring magdala ng maulang panahon sa ilang bahagi ng bansa sa susunod na apat na araw.
0 reply
0 recast
2 reactions