@motokonsepto
Pinoy moviegoers, ‘di na bet ang poverty porn stories
ADVERTISEMENT
Ahh masasabi ngang nasa pelikula ang problema, wala sa manonood.
Ito ay kung pagbabasehan ang mga dumagsa sa sinehan para manood ng foreign movie na Insidious.
Ang Insidious: Out of the Further, ang latest installment ng blockbuster horror franchise.
Talagang pinipilahan at na-enjoy ng Pinoy viewers na nagtitilian sabay tawa sa mga eksena nitong nakakagulat kaya ang sayang manood.
Showing ito sa over 400 cinemas sa bansa base sa post ng Columbia Pictures Philippines at kumita raw ito ng P51.7 million sa unang araw nito sa mga sinehan sa Pilipinas.
Ito na umano ang pinakamalaking kita sa unang araw sa isang pelikulang horror sa Pilipinas.
May pagimik pa sa mga SM cinema kaya mas dinadagsa ng mga nanonood sa sinehan.
Nauna nang kumita ng mahigit P1 billion ang pelikulang Spider-Man: Brand New Day.