gracebunog pfp
gracebunog

@gracebunog

Metro Manila may krisis sa maling pagtatapon ng basura – Malacañang MANILA, Philippines — Bagaman at walang garbage crisis sa Metro Manila, pero mayroon namang krisis sa hindi wastong pagtatapon ng basura, ayon kay Exe­cutive Secretary Ralph Recto. Ginawa ni Recto ang pahayag sa gitna ng panawagan ng Palasyo na magkaroon ng disiplina sa tamang pagtatapon ng basura. “Lumalabas sa aming pagpupulong na walang garbage crisis sa Metro Manila, pero may krisis sa hindi wastong pagtatapon ng basura,” ani Recto. Dapat aniyang magkaroon ng “kultura ng disiplina” upang maiwasan ang pagbabara ng ba­sura sa mga daluyan ng tubig at paglala ng mga pagbaha. Sinabi niya na kaila­ngang mapigilan ang pagtatapon ng basura habang nasa mga komunidad pa lamang ito, at binigyang-diin na kaila­ngan ng mga pambansang ahensiya at lokal na pamahalaan ang pakikilahok ng mga residente.
1 reply
1 recast
4 reactions