gracebunog pfp
gracebunog

@gracebunog

Bea, umpisa na sa pagpa-pamilya! Bagong manager nagsalita Magiging priority na ni Bea Alonzo ang pamilya matapos ang civil wedding nila ng bilyonar­yong si Vincent Co last month. Ito ang sinabi ng kanyang bagong manager na si Chris Cahilig nang tanungin ko kung anong plano ng actress sa pagkakaroon ng bagong manager. “I can confirm that it’s true and that I’ll be her interim manager or agent,” unang sabi ni Chris. Dagdag pa niya: “She’s married na and is starting a family,” sabi pa ni Chris na isang direktor din. May usap-usapan na tungkol dito, na nag-resign nga raw ang manager ni Bea na si Shirley Kuan ilang linggo na ang nakalipas, dahil nga diumano hindi napigilan ng talent manager ang actress sa pagpapakasal nito sa negosyante sa isang private ceremony kay Makati Mayor Nancy Binay. “There is a need to take care of unfinished businesses.
0 reply
1 recast
5 reactions