armanzonio pfp
armanzonio

@armanzonio

AFP: Hindi aabandonahin BRP Sierra Madre sa Ayungin MANILA, Philippines — Nanindigan kahapon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito aabandonahin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, bilang bahagi ng pagbabantay sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Spokesman for WPS Ret. Admiral Roy Vincent Trinidad, ibinasura niya ang pahayag ng Chinese Embassy na umano’y nangako ang pamahalaan na aalisin ang barko sa naturang lugar. Aniya, ito ay “pekeng naratibo” at tila pagtatangkang baguhin ng China ang kasaysayan. Ang BRP Sierra Madre ay nagsisilbing outpost ng mga sundalo ng Pilipinas na nagmomonitor at nagbabantay sa WPS. Binigyang-diin ni Trinidad na hindi tulad ng China na nagtatayo ng mga artipisyal na isla sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa, ang pagkaka-ground ng Sierra Madre noong 1999 ay naaayon sa batas bilang isang Sovereign Act.
1 reply
1 recast
4 reactions